Natutulog Kong Mundo

Band: 
Wolfgang

At naglaho ang liwanag sa dilim
Walang ingay ngunit nakakabingi
Bote ng alak na hindi nabuksan
Mga sigarilyong ubos na ang apoy

Kaibigan saan ka na ngayon
Ako'y naghihintay rito
Sa pagdating ninyo
Kaibigan ilang oras ang lumipas na

At wala pa ang anino ninyo lamang
Kaibigang tunay ka ba
Wala na ba ngayon ang samahan natin
Wala na bang kwento ang tahimik naman dito

Tumatawag walang sumasagot
Nagsisisi
May kasalanan ba ako
Habang ikaw ay nandito

Kaibigan...
Tulungan n'yo ako upang
Magising ang
Natutulog kong mundo