May 1

Band: 
Archipelago
Album: 
Travel Advisory

Sulyap sa 'king buhay

May isang lalaking sumisipol ng kanta
May isang pulis na nakatitig sa kanya
May isang dalagang ninakawan ng puso
May isang barkadang hinahanap ng gulo

Naririnig mo ba't naiintindihan?
Pagkat nararamdaman...

Sa bawat oras mo'y may simula
Sa bawat oras mo'y magwawakas
Sa bawat oras ko'y sumusulyap
Sa bawat oras mong kumakalas

'Pagkat sa bawat oras mo
Sa bawat oras mo, may himala

May isang pamilyang nagpaalam sa ama
May isang tinderong naglalako ng pag-asa
May isang huklubang tulala't nakayuko
May isang sanggol na natututong tumayo

Naririnig mo ba't naiintindihan?
'Pagkat ang buhay ay nararamdaman...

Sa iyo aking iaalay
Sulyap sa 'king buhay
Ingatan mo't dalhin ito
Huwag kang mag-alala
Bayaan mo sila

'Pagkat sa bawat oras mo...